Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales. Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat
JOHN MARK S. NALDO BSISM 2A Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales. Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? Ang pamagat ng tula ay nagsasaad na ang mga bakla ay nakararanas ng diskriminasyon na pinapadama mismo ng komunidad sa kanila at ito ay magiging pasanin nila habang sila ay nabubuhay. Sa tingin ko, gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat kasi isa rin siya sigurong parte ng LGBT na nakaranas ng diskriminasyon o siguro ay mayroon lamang siyang simpatya sa mga bakla na nakakaranas ng nga mga ganitong pamamaliit. 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? Ang sinasabi ng tula na iba't ibang mukha na bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala ay ang iba't ibang u...