Kabanata 3 Aralin 2
October 17, 2021
Naldo, John Mark S.
1. Sino ang persona ng nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinabi?
- Ang persona na nagsasalita sa tula ay isang mamatay tao, sa tulang aking nabasa inilalarawan dito Kung paano pumatay ng isang tao at kung paano inilalarawan ng mamatay tao ang kanyang karanasan sa ganitong gawain.
2. Ano'ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pag palang ng tao?
- Ang hayop na pinapaslang sa tula na aking nabasa ay ang butiki at ihanalintulad ito sa pag patay ng tao. Ang pag patay ng tao ay sobrang hirap na gawain, ngunit base sa tula na aking nabasa ang taong inilalarawan Ang kanyang karanasan sa ganitong gawain ay parang pag Patay na lamang ito ng butiki para sakanya dahil sya ay sanay na sa ganitong gawain.
3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtod ng tula?
- Ang ibig sabihin ng huling taludtod sa tula ay kapag di nya yon ginawa maaring iba ang gagawa nito ngunit mas pinapahalagahan nya parin ang kanilang malalim na pinagsamahan na habang sya ay pumapatay Yung iba naman ay nanonood lamang.
4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
- Ang tula na aking binasa ay iniaalay ng may akda sa mga mambabasa upang malaman nila Kung paano o Kung ano ang ginagawa ng isang mamatay tao at Kung gaano ito ka bihasa sa pag gawa nito, kaya para sakanya ito ay ordinaryong pag patay lamang tulad ng pag patay sa butiki ang pag kitil nya sa buhay ng may buhay.
Mungkahing Gawain
1. Magsaliksik tungkol sa particular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon.
Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.
- Ang buhay ng tao ay walang kasigyradohan dahil di natin alam kung kailan tayo mamatay maaring bukas o sa susunod na araw at kahit sa anumang gawain at lugar ang kamatayan ay walang pinipili na edad mapa bata man o matanda.
Tulad na lamang sa nangyari kay Baldomero sya ay isang konsehal ang bayan sa lezo, lalawigan ng aklan.
Paalis pa lamang siya sa kanilang tahanan kasama ang kanyang labindalawang taong gulang na anak para ihatid sa paaralan. Isang armadong lalaki ang lumapit sa kanya , tinutok ang isang kalibre kwarentay singko na baril sa 61 taong gulang na si Baldomero, binaril siya sa ulo at leg , at pagkatapos ay umalis sa kain ng motorsiklo.
Si Baldomero i dating miyembro ng new people's army (NPA), bayad ang armadong grupo ng communist party of the philippines (CPP), ngunit kumalas na siya sa NPA sumunod ng kanyang pagkakalaya mula sa bilangguan noong 1994.
Sinampahan ng kaso ang mga di-umano'y bumaril kay Baldomero, isa itong sibilyan ngunit hindi na tinuloy ng mga pulis ang paghahanap ng katibayan na kasangkot ang militar. Hindi rin nila na ihatid ang warrant of arrest galing sa hukuman noong enero,10, 2011 na naging dahilan upang manatiling malaya ang bumaril.
4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba't ibang isyu ukol sa karapatang pantao;
(Tula na isinulit ni John Mark S. Naldo)
Tao ako
Ako, sila, tayong lahat, Dapat tratuhin ng tapat;
My pantay at patas na karapat-dapat,
Sapagkat magkakatulad naman tayo ng balat.
Pagkakapantay-pantay sa harap ng batas,
Karapatang makapaghanapbuhay ng tapat;
Makilahok sa kalinangan at makapag-aral,
Iyon ang mga karapatan; Na dapat nating tandaan,
Ngayon, bukas at magpakailanman.
Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao,
Tayo ay pare-pareho;
Kaya, halina at ating umpisahan,
Karapatan ay ating pahalagahan
Comments
Post a Comment