Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales. Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat
JOHN MARK S. NALDO BSISM 2A
Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
ni Rolando A. Bernales. Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng
Pagsusulat at Pagkamulat
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng
may-akda sa pamagat?
Ang pamagat ng tula ay nagsasaad na ang
mga bakla ay nakararanas ng diskriminasyon na pinapadama mismo ng komunidad sa
kanila at ito ay magiging pasanin nila habang sila ay nabubuhay. Sa tingin ko,
gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat kasi isa rin siya sigurong parte ng
LGBT na nakaranas ng diskriminasyon o siguro ay mayroon lamang siyang simpatya
sa mga bakla na nakakaranas ng nga mga ganitong pamamaliit.
2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang
ginagawa nila?
Ang sinasabi ng tula na iba't ibang
mukha na bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,mayaman o
mahirap, kakilala o ‘di-kakilala ay ang iba't ibang ugali ng komunidad na kung
saan kahit sino walang pinipiling edad o estado kapag pinag-uusapan ang mga
bakla, walang ibang bukambibig kundi panlalait. Napakasakit isipin na kahit mga
bata ay naiimpluwensyahan ng mga masasamang pananaw tungkol sa mga bakla at isa
na ako doon. Bilang isang mag-aaral naranasan kong mangutya ng mga bakla,
naging tampulan ng tukso ang bakla dahil sa iba sila sa pangunahing
katangian na taglay ng mga lalaki. Subalit nagsisisi ako sa mga ginawa ko noon,
inaamin kong nagkamali ako sa pagkilala sa kanila. Sa ngayon marami akong
kaibigan at kakilalang mga bakla na nagbibigay ng aliw at serbisyo sa komunidad
at nakakatulong sa kanilang pamilya.
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t
tradisyon at bulok na paniniwala.
Kapag nababasa ko ang salitang likong
kultura't tradisyon at bulok na paniniwala, isa lang ang naiisip ko, ang
paniniwalang ang mga bakla ay salot sa lipunan at nagsasabing ang pagiging
bakla ay isang kasalanan na kailangang parusahan at pagdusahan. Sa palagay ko
hindi naman nila ginustong maging bakla, sadyang ito talaga ang kanilang kasarian.
Kung pinili man nila ito bakit pa nila gugustohin na maging bakla kung alam
nila na ang komunidad na nakapaligid sa kanila ay mapang lait at mapang husga.
Comments
Post a Comment