John Mark S. Naldo BSISM 2A
Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:
1. Paano inilarawan ang babae sa awit?
- Sa aking opinyun ang paglalarawan sa babae sa nasabing awit ay siyang magiging asawa o kabiyak ng isang lalake na siyang mangangalaga sa kanilang mabubuong pamilya. At nasabi rin doon na walang pagkakataon o di kaya ay walang kakayahan na ipaglaban ang kaniyang kalayaan at karapatan. Kung kaya’t nasabing ang mga babae ay ganda lamang ang pakinabang at sa buhay ay walang alam. Sa nagdaang panahon ang mga babae ay mahihina at walang kakayahan na ipaglaban ang kaniyang kalayaan at karapatan kung ituring at sila ay di gaanong nabibigyan ng pansin at oportunidad sapagkat sila ay lagging nasa loob lamang ng tahanan at ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.
2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.
- Sa aking pananaw ay hindi, sapagkat noon ay hindi pantay ang oportunidad para sa kanila kung kaya’t di nakikita ang kanilang silbi at maiaambag sa lipunan. Kung ninais sana ng lahat na pantay na mabigyan sila ng oportunidad na makapag-aral at makagtrabaho ay mas magiging mabuti sana ang kalagayan ng ating bansa noon. Sana ay di nanaig noon ang salitang “diskriminasyon” upang mas umunlad at guminhawa ang kalagayan ng ating bansa sa darating pang mga panahon.
3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang
kanyang karapatan at kalayaan.
= Ang babae ay may sariling abilidad at kakayahan, hindi lamang sa loob ng tahanan pakikinabangan kundi sa lahat ng bagay. Ang pag-aaral at pagtatapos ng kababaihan ay isang halimbawang nagpapatunay na kayang ipaglaban ng kababaihan ang kanyang karapatan at kalayaan, sapagkat kapag ang isang babae ay nakapag-aral at naging edukado malalaman niya ang kaniyang mga karapatan bilang babae at dahil dyan maipaglalaban niya ito at magiging daan upang sya ay magkaroon ng kalayaan.
4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
= Ang mga payo ng may-akda ng awit sa mga babae ay ang na harapin ang katotohanan, buksan ang pag-asa at liwanag sa kanyang buhay upang maging malaya, at ipaglaban ang karapatan bilang babaeng may ganap na kalayaang gawin ang lahat na ninanais gawin.
5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa
kasalukuyan ang gayong akala?
= Ayon sa awit, hindi nakikita ang halaga ng mga babae sapagkat sila ay nasa loob ng tahanan lamang na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kapaligiran at dahil na rin ay mababa ang pagtingin ng mga kalalakihan sa kakayahan ng mga kababaihan noong unang panahon.
Sa aking obserbasyon at pagninilay, sa kasalukuyang panahon ay hindi na umiiral ang ganitong diskriminasyon sa mga kababaihan sapagkat mas malaki ang potensyal ng kababaihan sa kahit ano mang larangan. Ang kakayahan ng kalalakihan ay kaya na rin ng kababaihan. Mas malaki na rin ang kahalagahan ng kababaihan sa kasalukuyang panahon lalo na sa politika dahil ayon sa mga pag-aaral, mas makapagtitiwalaan ang kababaihan kaysa sa kalalakihan.
Comments
Post a Comment