Isang Dipang langit

"Isang Dipang Langit" 

 

 NALDO JOHN MARK S. BSISM 2A 

 

 1.Basahin at suriin ang mensahe ng tulang "Isang Dipang Langit" ni Avado V. Hernandez -Ang tulang "Isang Dipang Langit" ay masasabing isang tulang sanaysay na nag teoryang pampanitikan na ginamit sa pagsusuri ay ang teoryang Sosyolohikal. Ang tulang taglay nito ay kalungkutan dahil nadarama sa bawat salita ng tula ang dinaranas ng manunulat ang kanyang pagkabilanggo sa kulungan na kahit siya ay walang sala, nahihirapan ito at puno ng poot o galit at ang kanyang hinahangad ay ang hangaring makalaya. Inilarawan rin itong tula ng pag-asa dahil ano mang paghihirap na madadanas mo/natin ay itatak natin sa ating sarili na huwag susuko sa mga problemang hinaaharap o haharapin dahil sa tuwing nabubuhay pa tayo ay nabubuhay din ang pag-asa na dadating sa huli at ito ang tagumpay. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita. Si Amado Vera Hernández ay ipinanganak noong 13 Setyembre 1903 sa Hagonoy, Bulakan at namatay noong 24 Marso 1970 sa Maynila ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. 

 

2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita

• Si Amado V. Hernandez ay makata at manunulat sa wikang tagalog. kilala rin siya bilang manunulat ng mga manggagawa sapagkat isa siyang pinuno ng mga pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa pilipinas noong kaniyang kapanahunan. nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. kaya na isinulat niya ang Isang Dipang Langit.

 

 3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado Hernandez - Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit. Ang buhay ng isang tao ay limitado lamang kaya't, habang may buhay ay huwag mawalan ng pag-asa. Ito ay isang kwento ng isang kilalang manunulat nasi Amado Vera Hernandez, kilala sa siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa" sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Noong siya nakakulong siya ay naka-gawa ng tula isa nadito ang Isang Daping Langit na hango sa kanyang karanasan noong siya ay nasa loob ng kulungan at sa bawat sakno ng tula ay mababasa mo na parang bang wala ng buhay, dahil sa bawat pasakit ng mga tanod o bantay ay para bang wala ng katapusan, siya ay nagiisa lamang sa kulungan at nakatingin lamang sa isang maliit na butas sa kulungan at nakatingin sa langit at nagtatanong kung may pag-asa pa ba, gayon paman sa huling mga saknong nakasulat kahit ganoon ang nangyari sa kanya, hindi dapat mawalan ng pag-asa, dahil habang may buhay may pag-asa, kahit ilang taong nag tiis si Ginoong Amado hindi niya parin nakalimutan na may mayroong Bathalang nakabantay sa kanya, dahil alam niyang hindi ito natutulog.

 


Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales. Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

BLOG #4 KABANATA IV. "BABAE KA"